Isa si Gat Macario Sákay sa mga tunay na Katipunero sa ilalim ng pamumuno ni Gat Andres Bonifacio, isa sa mga lumaban sa mga Kastila at Amerikano, isa sa mga bayani ng ating bansa, isa din sa mga bayaning nilimot ng ilan, at isa sa mga "itinuring na tulisan o bandido at taksil sa bayan" na ipinalandakan ng mga Amerikano, mga "tuta" ng Kanô at kung sinu-sino pa.
Ngunit sa paglipas ng mga panahon, may mga taong nagsulputan, o anumang pagpupugay upang isalaysay ang tunay na adhikain at pakikibaka ng tinaguriang Huling Mandirigma Ng Katipunan na si Gat Macario Sákay. Mapa-pahayagan man, sa mga aklat, pagtatanghal o anomang talakayan, at iba pang pamamaraan ng pag-alala sa kabayanihang nagawa ni Gat Sákay. Hindi lamang upang magbahagi ng mga impormasyon ukol sa kanyang buhay at kanyang naging ambag sa kasaysayan, kun'di upang magkaroon din ng masidhing adhikain sa bayan magamit din ito sa kasalukuyan at sa mga susunod pang mga panahon nang sa gayo'y hindi lamang masunod ang yapak na mula kay Gat Andres Bonifacio hanggang Kay Gat Macario Sákay...upang magkaroon na ng "tunay na kalayaan" ang bansang ito at magkaroon ng pagkakaayos ng ilang mga mamamayan na bagamat pareho ang adhika sa bayan ay kasalukuyan pang hindi magkasundo. Nakapagbibigay din ito ng aral at mailalabas din ang ilang mga nakatago at watak-watak na mga datos na tila ayaw nang ungkatin upang mabuo at lumitaw ang mga katotohanan tungkol sa kalagayan at sa mga kaganapan sa buhay at pakikibaka ng ilang bayani at pangyayaring napapanahon/panlipunan, mula noon hanggang ngayon.
Sino nga ba si Gat Macario Sákay? Halina't ating kilalanin ang kanyang loob, labas, at lalim ng kanyang pagkatao at kabayanihan.
-------*
Ito ay kalipunan ng iba't ibang pagkilala kay Gat Macario Sákay.
Ang lahat ay may karapatan na kopyahin o ipalimbag ang alinmang bahagi ng akdang ito, mangyari lamang na banggitin ang pinanggalingan ng sinipi. Mag-iwan muna ng pahintulot sa pamamagitan ng pribadong mensahe.
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay?
***
Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan?
Cover Design by Louise De Ramos