The Love That Completes Me
Sa pagitan ng pag-ibig, simula, wakas at pighati, tanging puso lamang ang sadyang matibay kung manatili.
Kapag matigas puso, anumang wakas ay pipilitin pa din ang bumalik sa simula.
Kapag malambot ang puso, bawat pighati ay kayang mapatawad ang pag ibig kahit buhat nito ay luha.
Ngunit paano kung ang pusong gagamitin ay hindi na buo?
Paano kung kasabay ng pagkawala ng mga alaala ay ang pag usbong ng mga bagong takot na dudurog sa pusong hindi pa naman kumpleto?
Kaya pa bang maalala ng puso ang pag-ibig na minsang nagbigay buhay?
O tuluyang matatangay sa paglimot ang pagmamahalan na ipinangako na iingatan at panghahawakan?
Magiging matatag pa ba ang puso kung isipan na ang kalaban?
The Love That Completes Me ❤
An Alyssa Jae Solomon and Angel Anne Canino Fan Fiction 💙💚
The Love Series - Final Book