Malalapit na awit ng dalawang pusong walang kamalay-malay na nahulog sa isa't-isa. May malungkot, may masaya at mayroon din namang nanunuot sa kaluluwa ng magkaibigang itutuloy ang nauntol na pagmamahalan sa lugar na hindi na kayang abutin ng mga sulyap at ngiti lamang. May katuparan ang lahat sa kabila ng trahedyang naganap at humadlang sa malayang pagsinta. Matatapos na ba ang awit ng pagsinta kung isa sa kanila'y hinigit na ang huling hininga o may karugtong pa ang mga melodiya at taghoy ng pusong nag-iisa?