Konti lang ang nakakakilala samin. Konti lang ang nakakaintindi sa mga nararamdaman namin. Konti lang ang gustong umunawa sa sitwasyon namin. Pano kasi ang alam ng karamihan, basta babae ka na nagkakagusto sa kapwa mo babae, tomboy ka na agad at basta lalaki ka na nagkakagusto sa kapwa mo lalaki, bakla ka na agad. Di ba pwedeng bisexual muna? Yung tipong, oo, nagkakagusto kami sa kapwa namin, pero nagkakagusto din kami sa nasa opposite sex.