Marami akong gustong malaman sa mundo. Magagandang bagay, tanawin, bulaklak at kung ano-ano pa. Hindi ko naman pala akalaing ang mundo palang iniisip kong paraiso, isa palang sining na walang kakulay-kulay. Isang lugar na puno ng kasamaan at mas malala pa sa dati kong mundo. Isang malupit na mundo ang tangi kong naabutan. Nasaan na ang mga bulaklak? Bakit ito'y matigas? Nasaan na ang mga tanawin? Bakit mga naglalakihang gusali na ang natatanaw ko? Nasaan na ang mga magagandang bagay na sinabi mo? Nagdilim ang aking paningin at kumirot ang aking dibdib. Aanhin ko pa ang lugar na wala man lamang kagandahan? Isa lamang itong walang buhay na mundo gaya ng dati. Aasa pa ba ako na may magbabago? Aasa pa ba ulit ako na kahit may isang tao lang na magbabalik ng kagandahan ng mundo ay hindi ko na ito paguguhuin? Kagaya noon sa mundo ko? Aasa ako pero wala rin namang kumikilos? Siguro panahon na para pagsisihan ng mundo ang pagwasak nila sa kagandahang bumabalot dito. Pumatak ang mga luha ko at inilabas ang Grim Reaper's Scythe. Ako si End at wawasakin ko ang mundo.
Mais detalhes