'Thana Academy' Yan ang pangalan ng bagong paaralan na papasukan ko ngayon. Maganda. Malaki. Magara. At pang mayaman talaga ang dating. Kapansin pansin sa paaralang ito ang mga naglalakihang building sa loob na syang nakakapang agaw pansin sa labas. Ewan ko. Nakakatuwa na nakakakaba. Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko ngayon. Huminga ako ng malalim habang tinititigan ito. Ano kayang klaseng paaralan ito? Dito ko na ba talaga mahahanap ang tunay na kasiyahan? Natigilan na lang ako sa pag iisip nang may marinig akong tumikhim mula sa may likuran ko. And later on, he began to speak. "Thana Academy.. Sounds lovely, doesn't it?" wika nito. Paglingon ko, bumungad agad sa paningin ko ang isang lalaking nakasuot ng itim na cap at itim din na leather jacket. "But dont you know that Thana actually means 'death' in Arabic?"nakangisi na dagdag nito sa sabay hakbang ng konti papalapit sakin. Nakayuko sya kaya hindi ko masyadong marecognize yung mukha nya. Tanging labi nya lamang ang naaaninag ko mula rito. "And here, Death is chasing you.. Ms. Del Valle.." Afterwards, he grinned evily. I gulped. Death? Kinilabutan ako sa sinabi nya. Walangya syang takutin ako ng ganyan! Gusto ko sana siyang sumbatan kaso inunahan agad ako ng kaba sa dibdib. Teka nga, Pano nya nalaman yung apelyido ko? Stalker ko ba 'to? "S-sino ka ba?" kinakabahang tanong ko sa kanya. Kinakabahan man ngunit pinipilit ko pa ring labanan ito. Ngunit imbis na sagutin nya ang tanong ko, ngumisi lang sya. Hindi ko na talaga maintindihan ang kabang nararamdaman ko ngayon habang pinagmamasdan ang labi nyang mapanlinlang. Nalilito na ko. Parang kinikilabutan ako sa mga ngiti nya. HINDI KO MAEXPLAIN. Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa karatulang nakalagay sa itaas ng campus. 'Thana Academy' Ano nga bang meron sa eskwelahang to? -----All Rights Reserved