Maraming mga bagay sa mundong ito na hindi natin nakikita. Mga bagay-bagay na akala natin ay wala pero meron pala at hindi lang natin alam. Ngunit marami rin ang pagkakataong nagpaparamdam ang mga ito sa atin. Bakit nga ba sila nagpaparamdam? Dahil ba gusto nilang malaman natin na kasama natin sila sa pangaraw-araw natin na buhay? O dahil may gusto silang ibigay na mensahe saatin? Pero hindi lang sila nagpaparamdam, ngunit nagpapakita din. Mga itsurang hindi kayang paniwalan ng karamihan o baka gawa-gawa lang talaga ito ng mga tao para manakot? Sa librong ito, mababasa ninyo ang mga iba't ibang klase ng mga kababalaghan na akala natin ay imposibleng mangyari.