Bago mamatay ang nag-iisang kapatid ni Elise ay nagplano silang dalawa ng limang bagay na maaari nilang gawin na magkasama. Desidido siya na tuparin ito lalo na't nalaman niya na bilang na lamang ang oras na nalalabi para sa pinakamamahal na kapatid kaya naman nang tuluyang maiwala ng dalaga ang kapatid ay wala siyang ibang sinisi kundi ang sarili. Naging laman ang dalaga ng ibat-ibang kasiyahan at nagpalunod sa sanlibutan. She's lost and emptied. Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng uniberso at ang tanging paraan na nasa isip niya ay ang maglaho na lang kasabay ng mga alikabok sa kalawakan. Hanggang sa isang hapon, habang nakatingin siya sa ibaba ng Bitbit Bridge ay nakilala niya ang isang estrangherong magpapabago ng takbo ng kaniyang buhay at pananaw. Hindi niya namamalayan na tapos na ang mga bagay na nasa listahan nilang magkapatid. At matatapos na rin ang oras na makakasama niya ang estranghero.