Story cover for The Unexpected You by SimplyReader18
The Unexpected You
  • WpView
    Reads 1,663
  • WpVote
    Votes 28
  • WpPart
    Parts 18
  • WpView
    Reads 1,663
  • WpVote
    Votes 28
  • WpPart
    Parts 18
Complete, First published Aug 07, 2018
May tatlong pangarap lang si Tiara sa kaniyang mahirap na buhay; ang makapagtapos siya ng kolehiyo sa kursong Nurse, ang maipagtapos niya rin ng pag-aaral ang kaniyang pangalawa at nag-iisang babaeng kapatid na si Louisa, at mabayaran ang hindi mabilang na mga utang ng kaniyang pamilya o iniwan ng kanilang ama hanggang sa huling buhay nito sa isang pinakamayamang pamilya na ang mga Buenvista.

Nang dahil sa napakahirap na buhay ay pwersahang nagsumikap kumayod si Tiara para makatulong sa inang nagtataguyod sa kanila. Ngunit sa kasamaang palad ay nabuntis ng isang binatang Buenvista ang kaniyang kapatid na si Louisa at hindi nito pinanagutan ang kapatid dahil mayroon itong malalang sakit simula nang ipinanganak ito. Nang dahil dito, kailangan niyang dumoble-kayod sa mansyon ng mga Buenvista para sa obligasyon na bayaran ang kanilang mga utang at ang hustisya at pananagutan na dapat ay binigay sa kaniyang kapatid.

Nang makapasok siya sa mansyon ng mga Buenvista bilang isang katulong ay hindi ganoon kadali ang naging kapalaran niya. Hindi naman masama ang ugali ng haligi ng tahanan na iyon ngunit kung anong ikinabait ng amang Buenvista ay iyon naman ang kabaligtaran ng panganay nitong anak na si Ezekiel Buenvista. Katulad niya ay dalawa lang din silang lalakeng magkakapatid ngunit iba ang pag-uugali nito. Malayo sa maamo nitong itsura ang malupit nitong ugali lalo na nang makaharap niya na ito. Makakaya niya bang maipagpatuloy ang pinasok na kapalaran sa mansyon ng mga Buenvista?

#410 in General Fiction
All Rights Reserved
Sign up to add The Unexpected You to your library and receive updates
or
#180wealth
Content Guidelines
You may also like
(Free) Finally Found You (Tagalog) by Serenity_Amore0910
11 parts Complete Mature
"NANDITO ka na naman. Lagi ka na lang bumabalik dito sa dati nating tagpuan. Hindi ka ba napapagod o nagsasawa man lang?" kausap ni Jerome kay Jenny habang nakaupo ang dalaga sa upuang inukit niya noon sa malaking puno ng mangga. Nasa ituktok iyon ng burol, hindi kalayuan sa unibersidad na pinapasukan nila. Madalas silang magpunta roon ng nobya tuwing break time upang mag-relax. "Bakit hindi mo maintindihan na tapos na tayo?" muling wika ng binata upang maipabatid dito ang nadarama. Gayunma'y hindi siya sinagot ni Jenny at sa halip ay tumulo lamang ang luha nito sa mata. Nakita niya pang malungkot itong ngumiti at tumingala sa kalangitan. "Nandito na naman ako mahal ko. Nahihirapan pa ring tanggapin ang pagkawala mo," bulong ng dalaga habang hindi nakikita si Jerome sa tabi nito. Nahihirapan ang loob na idinantay ni Jerome ang kamay sa balikat ng minamahal. Subalit tumagos lamang iyon sa katawan ng dalaga. Naikuyom niya ang kamao sa sakit na nadama. "Bakit hindi kita makausap, mahagkan o kahit mahawakan man lang? Paano ako matatahimik kung ika'y nahihirapan?" malungkot niyang sambit habang tahimik na sinusubaybayan ang babaeng minamahal. Lumipas pa ang mga araw na hindi pa rin iniiwan ni Jerome ang dalaga. Hindi matahimik ang binata habang nakikitang hindi masaya ang minamahal. "Jenny!" Sabay silang napalingon ng dalaga sa pinanggalingan ng tinig. Nasa loob sila ng mini garden ng paaralan ng mga sandaling iyon. "Oh, Joel?" tugon ng dalaga nang mapagsino ang dumating. Samantalang siya ay nanlaki ang mga mata nang matitigan ang kakilala ng nobya. Hindi siya maaaring magkamali, hinding-hindi niya malilimutan ang taong nasa harapan dahil ito mismo ang pumatay sa kaniya!
Mga Bulaklak ng Quiapo: Magnolia by MarshaMiguel_PHR
13 parts Complete
Malakas ang paniniwala ni Lia na kapos man siya sa buhay ay biniyayaan naman siya ng Quiapo Church ng umuusbong na career. Tarot cards. Crystal ball. Numerology. Astrology. Palm reading. Face reading. Lahat ng klaseng panghuhula ay kaya niyang gawin. Pinipwesto niya sa gilid ng simbahan ang dalang payong, silya, at tablang nagta-transform into instant mesa. Doon niya hinihintay ang kaniyang susunod na mabobola - este magagabayan tungo sa magandang kapalaran. Buhay na buhay ang Plaza Miranda. Ang mga snatchers, mapagmatyag. Ang mga dumadaan ay alisto. Ang mga sidewalk vendors ay humahapit. Hyper ang mga tao sa paligid, kaya naman spotted agad ni Lia kung sino ang lalapitan para alukin ng kaniyang serbisyo... ang mga tulad ni Macoy. Lumabas si Macoy mula sa simbahan na lugmok sa kawalan ng pagasa. 'Natutulog ba ang Diyos? Wala ba talagang forever?' Yan ang tema ng dasal ng binata sa Poong Nazareno. Hindi siya deboto. Nanghihingi lang ng saklolo. Lia and her tarot cards came to the rescue. Ramdam niya ang good vibes na dala ni Macoy. Kumikitang kabuhayan ang bawat prediction niya sa rich kid na buwenas namang nagkakatotoo. To the highest level din ang namumuong romantic energy na nakikita niya sa aura ng binata. Ayun lang. Kung minsan, lumalabo ring kausap ang kaniyang bolang kristal. Hindi naman pala kay Lia nakatuon ang energy, kundi sa exgf nito at first love na si Jackie. Kaya tuwing titingin ang dalaga sa mga stars, hindi niya maiwasan ang mainis. Bakit ba kasi hindi tugma ang mga zodiac signs nila? Haayy, ang dapat sa kaniya, mag-move on. Pero walang balak si Lia na gawin iyon. Para saan pa? Huli na. Mahal na niya ang mokong, kahit nuknukan ito ng manhid. Kaya sa ngalang ng pag-ibig, harangan man ng swerte, susugal na siya. Makikipagbunong-braso si Lia sa tadhana ni Macoy.
TriaLove Encounter [COMPLETED] by DamseL_inStress
42 parts Complete
C O M E D Y - R O M A N C E "Ako ang may raket sa buhay mo pero ikaw ang nakakuha ng interes sa puso ko."-Rhia Raketera ~~~ Sa raket lang umiikot ang mundo niya. Ang magbenta ng kung ano-anu at mag-part time sa kahit saang establishments. Kulang na lang ibenta niya ang sariling katawan este organs para mapagamot ang nanay niyang may sakit. Pero nagbago ang lahat... "Did you even know who you were messing Rhia?! That was Mr. Buenavista for christ's sake! He could make this coffee shop ruin in just a blink of an eye!" Napapitlag siya sa sigaw ng kanyang manager, galit na galit at may bahid ng pag-alala sa boses nito. "Kaya pasensiya na...you're fired." She swore to God na magbabayad ang lalaking yun dahil sa kamalasang hatid sa buhay niya Sinuntok niya ito sa mukha nang magkita sila sa isang bar at nag-part time bilang bartender do'n. "Hanggang sa susunod nating pagkikita Troy Buenavista! Maniningil ako!" at itinaas ang kanyang middle finger. "Pakyu!" Pero sadyang makulit ang tadhana dahil nagkita na naman sila nang nag-part time na naman siya sa Civil affair office. Hindi dumating ang babaeng papakasalan sana nito and he seemed don't give a damn about love thingy. Dahil umiiral ang pagiging business minded niya... "Look Mr. Buenavista, hindi ako desperada tulad ng iniisip mo. In fact this would be a great favor in your side if I'm not mistaken and besides I'm not offering myself for free, duhhh ano ka? Hello walang libre ngayon." giit niya na may halo pang english.
Uggo (18+) by cultrue
45 parts Complete Mature
(Billion Dollar Men Series IV) Mahirap nga talaga ang maging mahirap. Sa panahon ngayon kapag wala ng ibang pagpipilian ay kumakapit nalang sa patalim. Si Harry ay maagang naging ulila sa ama, sumunod na nawala ay ang kanyang ina noong desi-sais anyos palang siya kaya naman ay nanirahan siya sa bahay ampunan ng ilang taon, at doon niya nakilala ang batang Cantallejo. Ang pamilyang Cantallejo ay kilala sa pagiging matulungin sa kapwa kaya isa ang ampunan na tinutuluyan ni Harry ang natutulungan ng pamilyang yun. Doon nagkalapit ang kanilang loob dahil sa paminsan-minsang pagdalaw ng binata sa ampunan, at hindi inaasahan na magkakaroon ng mabulaklak na damdamin si Harry sa binata. Kaya ng umabot siya sa edad na desi-otso ay umalis siya ng ampunan dahil ayaw niyang malagay sa mas mabigat na buhay---ang lumalim pa ang nararamdaman sa anak mayaman na binata dahil mahirap siya at mayaman naman ito, kaya naghanap siya ng matratrabahoan pero sa kasamaang palad ay walang tumanggap sa kanya kaya doon niya napasukan ang pagiging assistant bartender sa isang bar. Mahirap man ang trabaho na yun dahil marami siyang nakikilala na mga hayop sa bisyo at babae. Pinasok man ni Harry ang trabaho sa bar pero hindi yun hadlang para hindi niya tapusin ang pag-aaral kahit high school lang. Pero nang malaman ni Uggo yun ay nagalit ito sa kanya. Ang akala niya ay lulubayan siya ng lalaki pero mas lalo lamang itong lumapit sa kanya. At paano niya lulubayan ang lalaki kung ayaw siyang lubayan ito? PLAGIARISM IS CRIME NOVEL 18: April 16, 2024-June 27, 2024
You may also like
Slide 1 of 10
(Free) Finally Found You (Tagalog) cover
Mga Bulaklak ng Quiapo: Magnolia cover
Life after Love (COMPLETED) cover
The Contract cover
😊Somewhere I belong (COMPLETED; Published under PHR) cover
CONTRACT WITH MR. BILLIONAIRE  cover
BAD BOY SERIES cover
Pure heart, unlucky love cover
TriaLove Encounter [COMPLETED] cover
Uggo (18+) cover

(Free) Finally Found You (Tagalog)