Kailan ba kita makikita ulet? Pinipilit kong kalimutan ka pero naging bahagi ka pa rin ng buhay ko. Naging malawak ang espasyo mo dito sa puso ko. Isang kang nakaraan na kahit na anong pigil ko ay hindi ka nawawala dito sa isipan ko lalo na sa puso ko. Inaasam ko pa rin na sana balang-araw ay mahagilap ko man lang kahit na ang anino mo. Bata man ako noon pero alam ko na ang salitang pagmamahal. Naramdaman ko yun nung tumibok ang puso ko sa unang pagkakataon sa edad na sampung taon. Nandun ang kilig. Nandun ang sobrang saya. Nandun ang tawanan. Nandun ang kulitan. Nandun ang paglalambing mo pero dahil sa'yo nasaktan din ako't umiyak. Hindi ka na bumalik muli. Hindi mo tinupad ang mga pangako mo sa'kin. Nangako ka sa edad na labing-tatlong taon. Tatlong taon ang pagitan ng edad natin pero ramdam ko ang sinseridad mo dahil umasa ako. Lumaki man ako nun sa bahay-ampunan ay pinunan naman ni mother ang kulang sa'kin. Buo at totoo ang pagmamahal na ipinakita niya sa'kin. Kuya ko magpakita ka na. Nasa'n ka na? Tatlong taon ang lumipas nung hindi ka na nagpakita ay umaasa pa rin ako pero natuto akong buksan ang puso ko para sa iba. Ngayon ay apat na taon na kami, kuya. Malapit na ring maging labing-isang taon na hindi ka na nagpapakita sa'kin. Masakit isipin pero umaasa pa rin ako na makikita kitang muli. Gusto kong sabihin sa'yo na salamat sa mga sayang idinulot mo sa buhay ko. Gusto kitang makita. Magpakita ka na. Hinihintay ko pa rin ang pagbabalik mo. Gusto kitang tanungin ng bakit. Gusto kong pakinggan ang mga dahilan mo. Magpakita ka lang. Tatanggapin kita ... bilang nakaraan ko na lang.
54 parts