Totoo nga kayang wala ng makapapantay sa pag-ibig na inialay natin para sa taong una nating minahal? Dumaan man ang napakatagal na panahon siya pa rin ang tinitibok ng ating puso. First boyfriend ni Faith si Aaron. For her he was the perfect epitome of the word "ideal guy." Nasa kanya na lahat ng katangian na hinahanap niya para sa lalaking mamahalin. Sobrang opposite sila ng best friend nitong si Caleb na bukod sa playboy na ay walang ambisyon at happy go lucky lang sa buhay. But fate played its game on the hearts of these three. Sa pagkawala ni Aaron mararamdaman na lang ni Faith ang unti-unti niyang pagkahulog sa best friend nito. Magiging sapat ba ang pagmamahal na iaalay ni Caleb sa kanya para tuluyan na niyang makalimutan si Aaron?
13 parts