Moon Chasers [On-Going/Slow Update]
  • Reads 81,705
  • Votes 3,105
  • Parts 29
  • Reads 81,705
  • Votes 3,105
  • Parts 29
Ongoing, First published Aug 08, 2018
Mature
Isang babaeng doktor na nasa isang medical mission sa isang lugar na malayo sa kabihasnan. Nang matapos sa mga gawain nang araw na iyon, napagpasyahan niyang mamasyal na muna. She is a certified nature lover kaya naman nang makakita ng isang trail papasok ng gubat ay walang pag-aalinlangan niyang pinasok iyon.

Habang natutuwa sa kapayapaan ng paligid, naalarma siya nang makarinig ng isang iyak.

Hinanap niya ang umiiyak hanggang sa matagpuan niya ang isang batang tantiya niya'y nasa anim na taong gulang na nasa madamong parte ng gubat. Nagulat siya sa itsura nito.

Puro galos ito sa mga braso. At may isang malaking kahoy na nakadagan dito.

Gulat na dali-dali niya itong nilapitan at tinulungan. Ginamot niya ang sugat nito at tinanong kung tagasaan ito. Nagulat siya nang ituro nito ang gubat.

Wala sana siyang balak na lumayo at nais niyang hanggang bungad lamang ng gubat ang kanyang papasyalan upang madali siyang makakauwi ngunit hindi naman niya kayang hayaan na lamang ang bata. Nakakakonsensya kapag hinayaan niya itong umuwing mag-isa sa ganoong kalagayan. Kaya napagpasyahan niyang ihatid na ito sa kanyang mga magulang.

Tantiya niya'y nasa gitna na sila ng gubat nang makakita siya ng mga mumunting bahay. Gawa ang mga ito sa pawid at kawayan. Hindi niya alam na may mga naninirahan pala doon.

Saglit siyang napahinto nang makarating sa harap ng isang mas malaking bahay. Gawa ito sa bato. At mas moderno.

Napansin niyang naglabasan ang mga tao at lahat ng ito'y kakaiba ang tingin sa kanya. Tinanong niya ang bata kung saang bahay ito nakatira. Nakita niyang itinuro nito ang malaking bahay. Nakilala niya doon ang ina ng bata at isang lalaking tinawag nitong Beta.

Nang masigurong ayos naman na ang bata sa piling ng ina nito, tumalikod na siya para umalis.

"Tigil.", ani isang tinig na nakapagpahinto sa kanya.

Pagharap niya dito ay isang guwapong lalaki ang kanyang nakita.

"Mate."

ON-GOING | SLOW UPDATE
© MadamLove
Vote | Comment | Share
Aug10,2018-
All Rights Reserved
Sign up to add Moon Chasers [On-Going/Slow Update] to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
Lua Azul cover

Lua Azul

50 parts Complete Mature

Luna Navarro, a witch trained to be a hunter, falls in love with her handsome professor, Fhergus. Little does she know Fhergus is her mate and a Lycan-- her species' sworn enemy. *** To protect herself against the Lycans, Luna's true beauty hides beneath an ugly disguise--but her insanely attractive professor, Fhergus, surprisingly doesn't care. Smitten with her first love, Luna thought Fhergus was it--until she finds out he's a Lycan using her for information. Betrayed, Luna flees and comes back with her true face, setting foot in her enemy's world. But Fhergus is determined to make his mate his again, and Luna discovers the truths of the lies she's been fed since childhood. Can destiny stop the age-old rivalry between witches and Lycans? Or will Fhergus's and Luna's love erupt into bloodshed? DISCLAIMER: This story is written in Taglish. COVER DESIGN: Regina Dionela