Ika nga "There's always a rainbow after the rain" pero may rainbow nga bang lalabas after ng rain? Meet Benedict ang lalaking pinaka-martir sa buong mundo. Grade school palang siya noon pero ngayong High School na siya sinusuyo pa rin niya si Alyanna. Siya ang babaeng walang inisip kundi ang soulmate niyang hindi niya makita-kita kasi nga daw soul, wala siyang third eye kaya hindi niya magawang makita. Nililigawan rin siya ni Nico na hindi naman maintindihan ang sarili kung sino talaga ang gusto niya. Isang araw naramdaman nalang niya na tumibok ang puso niya dahil kay Sherly, ang babaeng sumumpang hindi na magmamahal pang muli na bigla naman niyang binawi ng ma-inlove siya kay Limuel na walang inisip kundi ang business nila. Ito daw ang tanging paraan para makalimutan niya ang ex-girlfriend niyang si Elvira na bigla nalang niyang iniwan ng walang dahilan. Sinekreto din niya na may kapatid siya at yun ay si Eymi, ang girlaloo na napaka-spoiled brat. What she wants daw she gets kaso hindi niya nagets ang gusto niya pagdating kay Earl, ang boyfriend niya. At si Kevin Jaey na nagtiis sa napaka-hard niyang ulo hindi na alam kung kaya pang maging tutor niya. What a life? At kung pag-uusapan naman natin ang life , meet Arlyn na ang buhay niya sa earth ay malapit ng ma-expire. Hindi pa siya patay pero iniiyakan na siya ng kaibigan niyang si Lyn at Meinard. Kahit ano pa man ang dagok na dumating sa buhay nila ay alam nilang may maganda itong kalalabasan.