May batang multong nagpaparamdam kay Joy, isang pitong taong gulang na nagsa-summer class sa school ng tiya niya at nakita rin ito ni Eula. Gusgusin at maputla ang multo sa suot na pulang bestida. Nakatirik ang mga mata nito at duguan ang ulo. Sa tingin ni Eula, pinatay ito at naghahanap ng hustisya. Ayaw sana niyang makialam dahil nagbabakasyon siya. Dumalaw siya sa tahimik na lugar ng kamag-anak sa probinsya para makapagrelaks at hindi para takutin ang sarili. Pero bukod sa naawa siya sa bata, naintriga rin siya sa isinisigaw ng aparisyon sa kanya: 'Wayna'. Sigurado siyang pangalan ang tinukoy nito. Sino si Wayna? *Full credit to the illustrator: Mae Alecsandra V. Abad. Book cover design is under copyright and has been created for the particular use of the author.
4 parts