MSOB M2M FICTION WRITING CONTEST 2018(SHORT STORY) 3RD GRAND PRIZE WINNER Maaga akong umibig at maaga ring naranasan ang sakit ng kabiguan. Kasabay noon ay ang trahedya na dumating sa aking buhay na naging dahilan na kung bakit ayoko na sanang umibig pa. Subalit ang pag-ibig ay mistulang kabute na hindi mo aasahan ang biglaang pagsulpot nito. Muling sinubok nito ang aking tibay na hindi na dapat magpadala sa bugso ng damdamin. Dumating sa buhay ko ang lalaking bagong itinatangi ng aking puso, si Dennis. Isang lalaking bulag na kumatok sa sarado ko ng puso. Ngunit mamahalin pa kaya niya ako kapag manumbalik na ang kanyang paningin at makita ang totoong ako? Paano kung sa muling pagbalik ng kanyang paningin ay hindi niya ako kilalanin dahil sa may iba ng sa kanya ay umaangkin? Ako si Dondon at heto ang mala-fairy tale na kwento ng buhay ko.
8 parts