52 parts Ongoing May mga tao talagang kahit ilang ulit silang lokohin ng taong mahal nila, patuloy pa ring maghihintay at magmamahal. May mga pagkakataon na kahit sinasampal na ng katotohanan, patuloy pa rin silang naniniwala sa mga kasinungalingan, dahil nga ba mahal nila? Pero paano kung hindi ka na mahal ng taong pinipilit mong mahalin? Paano kung habang patuloy ang buhay mo, may mga taong dumaan na at nagbigay ng bagong pag-asa, ngunit nakatago pa rin sa iyong puso ang isang lumang pagmamahal na hindi mo kayang limutin?
Sa muling pagtatagpo ng landas ni Natalia at Alexander, magbabalik kaya ang nararamdaman ni Natalia na matagal na niyang iniiwasan? O posibleng magbago ang lahat-si Alexander kaya, pagkatapos ng lahat ng nangyari, ay matutong magbukas ng puso para kay Natalia, imbes na kay Cassandra?