Madami tayong inaalala Kung papahalagahan ba O iiwanan na Mabilis sa bihin na kaya mong wala sya Pero pagnandun ka na Wala ka nang ibang magawa kundi lumuha Lagi nalang bang ganito Lagi nalang ba akong talo Kaylan ba to maglalaho Ang pagibig na matagal ko nang tinatago Bobo ba ako o gago Kahit pinagtatabuyan mo na ako dito padin para sayo Madami tayong pinagdadanan sa buhay. Pero wag na wag mong gagawin ang wakasan ito dahil iyoy hiram lang naten sa Panginoon... at hanggat andyan pa pahalagahan mo na yan ang isa kong pinagsisihan. Eto na naman ako gigising magisa walang kumakalinga at parang wala kang kwenta. Sobrang hirap ang mawalan ng pamilya Ako nga pala si Mishca Buenaseda kakauwi ko lang nung araw na yun sa party ng bestfriend ko masayang masaya ako nung araw na yun dahil ito ay aking kaarawan at alam ko na may supresang nakahanda saken. Napatingin ako sa may kanto na tapat bahay namen na tila may mga usok na lumalabas madaming tao may mag bumbero agad akong nagmadaling tumakbo palapit... at sa di inaasang makita ang bangkay ng aking Ama at Ina at ang aking dalwang kapatid labis ang sakit na aking nararamdaman Gusto ko na ding mawala nung nga araw na yun halos mahinatay ako sa kanakita ko patuloy ang pagpatak ng munting likido sa aking mata na nagsilbing pandilig sa apoy na naggagalit aking puso... pagsisi ang aking nararamdaman kung umuwi lang ako ng maaga at di na nagpaabot ng umaga sana kasama ko sila sana di ako nagiisa ngayon... ang hirap hawakan ng mga kahon na pinaglalagyan ng mga mahal ko gaano kasakit na di ko na sila makakapitan mahahalikan sana nasabi ko man lang na mahal ko sila... pagsisisi, galit, sakit, pangungulila, at pagkamuhi ang aking nararamdaman