Isa akong pulubi na nanlilimos ng hustisya. Pulubing masasabing walang kahit na anong pag-aari sa mundong ito kundi ang aking pamilya. Isang pulubing nawala sa landas, nasira ang buhay at nawasak ang kinabukasan hanggang naging palaboy sa lansangan. Minsan ang tawag sa akin ay Baliw. Tumatawa ng mag-isa sapagkat mithiin ko lamang ay maging masaya. Umiiyak sa kalye pagsapit ng hatinggabi tanda ng kalungkutan na sa buong pagkatao ko ay bumabalot. Ano ba ang hustisya para sa isang baliw? Meron ba? Hindi ko rin alam. Taong-grasa naman ang tingin ng iba sa akin, mabaho, marumi, pinaghalong pulubi at baliw. Nagmamasid sa mga eskinita, nagsasalita mag-isa, nag-aabang at nagtatagos sa dilim. Naghihintay sa hustisyang matagal ko ng hinihiling. Sino ako? Ano ako? Sino at ano ba ako sa mundong ito? Ako si Marco, ito ang istorya ko.
10 parts