Lahat ay talunan pagdating sa laro ng tadhana. Maski kahit sinong santo ay hindi pinatawad. Mga kamay sa likod ng mga hawak nitong sinulid, Kapalaran pala ay matagal nang nakaukit. Walang naging handa sa pagdating nito. Walang may nais makatanggap sa sakit nitong dala. Isa itong delubyo na hindi inasahan ng lahat. Halika't simulan natin ang gulo sa isang hardin Ng mga pusong basag, kulang, at naliligaw. Handa ka na ba?