Minsan naiisip ko, bakit ba ko gumagawa ng tula?
Dahil ba ito yung nakatakda? Dahil ba pakiramdam ko matatamaan siya pag ginawa ko ito? Eh manhid yun eh, pano niyang malalaman. Tula? Para kanino, para sakaniya. Eh hindi ka nga para sakaniya, tapos gagawa ka ng tula na may tugma.
Minsan tinanong ako ng guro ko, sabi niya "Para kanino ba yung ginagawa mong mga tula?" hindi ko din alam isasagot ko pren, kaya sabi ko na lang, "Trip ko to eh" pero minsan napapaisip ako, bakit ba ako humuhugot eh single naman ako? wala naman akong lablayp? kasi nga "Feeling ko, may jowa ako" napaka basic eh, pero ang tanong ko, "Para kanino nga ba ang mga tula na ito?" Kaya magbasa ka para malaman mo ang journey ng walang hanggang tanong na ito.