Minsan alamin din naten ang Salitang "Pagod"
hindi sa lahat ng bagay, kaya mo, minsan pwedeng sumuko pag mabigat na. kung ang laman nga ng ATm mo nauubos ang katawan mo pa kaya?!
hindi sa lahat ng oras, kailangan kinikimkim dahil kahit ang bulkan pag napuno sumasabog na lang bigla ng walang dahilan.
Yan ang tao, Manhid, Makasarili, Madamot, hindi sa lahat ng oras kailangan mong makibagay, pag alam mong sobra na bumigay ka.
Pag Pagod ka na sa isang bagay, hayaan mo sarili mong magpahinga sa lahat. hindi naman tayo Machine, yung Robot nga nawawalan ng baterya pag napapagod na eh ano pa kaya tayo? Tao lang Tayo uso mapagod, Uso mag pahinga, kasi at the end of the day sarili mo lang din ang bibigyan mo ng Lakas .. para bumangon..