"Kilala mo ba kung sino ako Carmella?" Tanong nito. Binanggit nanaman nito ang pangalan nya. "O.. opo... Kayo po ang anak ng may-ari ng Del Castillo Resort" sagot nya. Ngumisi ito at humakbang sa kinatatayuan nya. Wala sa loob na napa atras sya at nagpatuloy ito sa paglapit at pag atras naman ang sa kanya. Hanggang sa madikit sya sa kahoy na dingding. "Kilala mo ko alam ko" Paninigurado nito. At hiniharang ang dalawang kamay nito sa tabi ng mga balikat nya. Tila sya nasukol nito habang nakatingin sa mga mata. "Bakit oh?" Tanong nya. At sinulyapan ang mga nakaharang nitong braso sa kanya. Lumapit pa ito ng isang hakbang at nasasamyo na nya ang mainit na hininga nito na tila humahaplos sa mukha nya. Napalunok sya ng ilang beses. Dahil kahibla lang ang layo ng mga labi nito sa mga labi nya. "Anong ginagawa ng isang Carmella Perez sa loob ng solar ko? Alam mo ba ang pinasok mo? Teretoryo ng kaaway" sabi nito na nagpagulat sa kanya at nanlalaking mga mata napatitig sya rito. Kitang-kita nya ang pagbalasik ng mga mata nito habang nakatingin sa kanya. nakikita nya ang galit at pagkasuklam na Nakita nya ang galit sa mga mata nito. Tulad ng nakita nyang galit rito. Limang taon na ang nakakalipas.