Sa kagustuhan kong makabingwit ng Mr. Right, gumawa ako ng sarili kong fairytale.
Everything seems so fast. Natuto, Nagmahal, Nagbigay...
Hanggang sa nagmahal ako ng iba at nagmahal din naman siya ng iba.
"I love you Harry. I love you, I'll be back soon I promised. Will you wait for me?" Sabi ko habang nagpapaalam sa taong mahal ko. Hindi ko alam na ganito pala kahirap magpaalam. Lalo na sa ganitong sitwasyon na kamakailan lang kami nagbati. Sobrang hirap na mahihiwalay na ako sa kanya.
"I love you Baby. I will wait for you I promised." Sabi ni Harry.
Niyakap ko siya at binigyan ko siya ng huling halik. Sana hindi pa yun yung huli. Sana.