Hindi ko sya pinangarap. Hindi ko din sya hinanap. Inantay ko lamang syang dumating para ako'y mahalin pero iba ang nangyari sa amin. Pinunit ang isang pahina ng aming pagmamahalan na hindi na maibabalik kailanman.
Kwento ko ito. Kwento ng isang Pauline na nakakilala ng isang Brix Cob. Mahaba ngunit maikling kwento. Maikli ngunit makabuluhang kwento. At nagwakas din.
Simple lang akong babae. Nagtapos sa pampublikong paaralan noong elementarya at sekondarya at ngayon nasa isang sikat na Unibersidad na para simulan ang pahina ng aking mga pangarap. At para simulan ding magmahal ng isang taong nararapat sa pagmamahal ko. Noboyfriend since birth ang lola nyo. Madalas man akong mapagkamalang tibo noon sa paaralan namin ay alam kong pusong babae pa rin ako. Kinikilig pa rin naman ako kay Daniel Padilla at James Reid pati na rin kay Enrique Gil, isama mo na rin si Ian Veneracion at marami pang iba. Sadya lang sigurong simple ako. Simpleng tao at simpleng estudyante na hindi makikilala ng kahit na sino.
Pero nakilala nila ako, hindi dahil sa kung ano man kundi dahil sa kasimplehan ko. At may isang taong nangahas nakawin ang puso ko na sa tingin ko ay ipinanakaw ko dahil gusto ko.
Brix Cob. Mahal ko sya at mahal nya ako. Hindi ko sya iniwan ngunit iniwan nya ako. Bakit ako pa ang napili ng taong ito. Bakit sya pa ang napili kong mahalin. Wala ng mas sasakit pa kundi ang maiwan ng walang sapat na dahilan...
~
"First love never dies." I believe in this quote. I'm experiencing it. He was the only man I loved. I loved him so much. Mahal na mahal ko sya. Sa tunay na buhay, mahal ko talaga sya. Hindi ko alam kung bakit yung mga taong mahal na mahal natin ay iniiwan tayo. Sumpa na ata yun. Sumpa nga ? Wag raw kasing ibigay ang lahat ng pagmamahal mo. Magtira ka raw para sa sarili mo at para sa pamilya mo. That way, less ang pain na mararamdaman mo kapag iniwan ka nya. Pero hindi nga ganun ang nangyari. Iniwan nya na ako tapos until now umaasa pa rin ako. Pakibatukan ako!
~