Lahat naman ng tao may kanya kanyang kalayaan para mamili ng para sa kanila, nang kung anong gusto nila na kung ano ang tama at ang mali. Kung sino ang para sa kanila... Kung susuko ka ba sa sinimulang laban o tatayo at sasabihing kaya mo pa, kaya iipunin mo lahat ng lakas para ipakita sa lahat na kaya mong tapusin ang sinimulan. May tatawa, aalipusta at malamang ipangalandakan ang nagawa mong mali pero sa kabila nun. may hahanga pa rin at papalakpak sayo ng lihim. Tara at samahan nyo po akong tuklasin ang naging laban ni Joe sa pagtangap ng kanyang katauhan, kung paano nya ipinaglabanan at nakita ang mga bagay na isanasawalang bahala nya noon. Hangad ko na madala o maibahagi ko sa inyo ang bawat detalye ng mga Karakter sa kwento.