Ito ang kwento ng di kagandahang si Ula, isang probinsiyanang nakapasok sa buhay ng aktres na si Una bilang katulong. Ang dating paghanga ay napalitan ng galit nang mabatid na ang inakalang mala-anghel na idolo ay isa palang mapang-lait na tao.
Si Una, maganda, pinagpala. Pinapasok ang isang probinsiyang pangit sa kaniyang tahanan upang paglaruan. Ang inaakalang magiging libangan ay siya pa lang katapat na wawasak sa kaniyang kagandahan at malagim na tatapos sa kaniyang pinagpalang kapalaran..............
Biruin mo na ang lasing at bagong gising, huwag lang ang pangit..................