Ang tunay na pag-ibig ay walang takot humarap sa kung ano'ng patutunguhan ng inyong relasyon. 'Yun ang prinsipyo ni Feliza- isang simple na dalaga na nagmahal sa lalaking akala niya'y sa panaginip lang makakasama. Hindi man kapani-paniwalang matutunang mahalin ni Johanssen ang babaeng magiging lunas sa problema ng kanyang kakambal pero natutunan niyang lumaban nang dahil sa kanyang labis na pagmamahal. Pareho silang naniniwala na ang isa't-isa ay sapat na para mabuo ang mundo na para lang sa kanilang dalawa. Kakayanin kaya ng dalawa ang labanan ang tawag ng kadiliman para ipagsigawan ang kanilang pagmamahal?
More details