Walang mapuntahan si Marianne, pagala-gala siya sa Maynila na walang direksiyon, walang pera at walang kakilala. Hindi inaasahan na pinagtagpo ng tadhana sila ni Rommel, isang binatang ama at doktor ang propesyon. Dito magsisimula ang makulay na kabanata sa buhay ni Marianne. Mag-iibigan na kaya ang dalawa, ito na kaya ang lalaking hinihintay ni Marianne?