Another Maichard Story.. Si Nicomaine Dei C. Mendoza ay isang ulilang lubos at nagpupursigeng magkaroon ng maganda at matiwasay na pamumuhay. Nang mamatay ang kanyang ama, inihabilin siya nito sa isang taong hindi niya kilala. Ibinilin ng ama niya na tulungan siyang makatapos at mabigyan ng trabaho pagkagraduate niya sa kolehiyo. Iyon lang ang hiling ng ama sa taong pinagbilinan sa kanya. Ngunit di niya inaasahan na ang taong pinagbilinan ng kanyang ama ay may mas malaking bagay na ibibigay sa kanya bukod sa pagpapatapos ng pag-aaral at pagbibigay ng trabaho. Ipinagkasundo siya nito sa anak upang maging asawa sa kondisyong ipamamana nito ang lahat ng ari-arian sa anak kapag pinakasalan si Nicomaine. Kaakibat ng pangako sa namayapang ama ni Nicomaine na tutulungan siya sa buhay ay ang pag-asang mababago ang sariling anak na matigas ang kalooban, mapagmataas at babaero. Tungahayan natin ang kwentong puno ng luha, hinagpis, kaligayahan at pagbabagong buhay. Disclaimer: This is a typical story, but then again, I wrote it according to my point of view. Any replication of this story whatsoever is punishable by law, and is not in anyway accepted and never will be tolerated.All Rights Reserved