35 parts Ongoing Mature𝚂𝚢𝚗𝚘𝚙𝚜𝚒𝚜
Si Zarr ay ulilang lubos. Bago pa man siya maging ulila ay mayroon siyang pamilya, subalit hindi totoong pamilya. Inampon lamang siya ng mag-asawang Larine at Crado. Subalit, isang trahedya ang nangyari nang gabing iyon. Sinalakay ng mga misteryosong lalaki ang kanilang tahanan at pinaslang ang kaniyang kinikilalang magulang at naging bangungot iyon kay Zarr.
Isa lamang pangkaraniwan si Zarr, subalit gagawin niya ang lahat upang maghiganti at mabigyang-hustisya ang pagkamatay ng kaniyang kinikilalang magulang. Gagawin niya rin ang lahat upang alamin ang kaniyang totoong katauhan. At isa lamang ang naiisip niyang paraan upang magawa ang mga nais niya, iyon ay magpalakas nang magpalakas. Dahil lakas lamang ang batayan ng mga karapatdapat. Kung hindi ka malakas ay wala kang kwenta. At ang malalakas ang mga nakakaangat.
Hahalughugin niya ang buong kontinente ng Critonya upang magpalakas at maghanap ng mga oportunidad. Ngunit, mayroong mas malalakas pa sa kaniya kaya kailangan niyang makipagkumpetensya sa mga ito. At dahil isang mapangahas si Zarr, makikipagkumpetensya siya sa mga malalakas kahit pa malagay sa alanganin ang kaniyang buhay.
Dahil din sa kapangahasan ni Zarr, makakatagpo siya ng mga mahigpit na kalaban. Dahil din dito, makikilala niya ang isang lalaki na kakaiba sa lahat ng kaniyang nakilala. Isa kaya itong kalaban o kaibigan?
Kakayanin kaya ni Zarr ang mga pagsubok at hamon sa kaniyang buhay? Magiging matatag kaya siya sa mga ibinabatong panghahamak sa mga nakakasalamuha niya? Magtatagumpay kaya siya sa kaniyang paghihiganti at paghahanap sa kaniyang tunay na magulang? Subaybayan natin ang kasabik-sabik na kwento ni Zarr Albarn sa The Divine Emperor.