Nagising akong iba sa nakagawian Sa pagkakataong hindi ko inaasahan Hindi ko alam kung bakit ikaw ang natagpuan Ng puso kong naghahanap ng kasagutan Ikaw ay nakilala ko nang lubusan Ngunit malupit ang ating kinahantungan Sa mga mundo nati'y tayo'y pinag-agawan Hatol ng nakaraa'y di kayang saklawan Namulat muli ako sa bagong panahon Masaya ako at parang muling umahon Ngunit may mga alaalang tila nakabaon Ano nga ba ang lihim ng kahapon?