Zairah was already happy with her life. Kuntento na siya na simpleng namumuhay ng mag-isa na walang kahit ano pa mang komplikasyon. Sinabi niya sa kanyang kaibigan na kahit kailan ay hindi niya isusugal ang kanyang puso para sa isang lalaki dahil takot siyang masaktan lang sa huli. Ngunit nagulo ang nananahimik niyang puso ng dahil lamang nabangga siya ni Bolt, a huge Siberian Husky owned by the nicest and most gorgeous guy she had ever known. Xavier Karavajal. At isang araw nga, namalayan na lang niya na nahuhulog na ng husto ang kanyang puso sa binata. Ang masaklap lang sa love story niya, kinain na nga niya ang mga sinabi niya noon, he was already in love with someone else too. Nasaan ang hustisya doon?