May isang lalaki na madalas makita ni Althea sa mga panaginip niya. Isang lalaking kahit kailan ay hindi niya pa nakikita o nakakausap. Bawat panaginip niya ay malabo ang imahe nito ngunit naririnig niya ang boses nitong nagmamakaawa sakanya na wag niya itong iwan. Sa bawat pag gising niya ay laging may luha ang mga mata niya at hindi niya alam pero napakapamilyar ng boses nito sakanya ngunit alam niya sa sarili niyang hindi niya pa ito nakikilala. Hanggang sa dumating sa buhay niya si Crisxian isang lalaking ubod ng kagwapuhan ngunit napakamisteryoso. Malakas ang dating sakanya ni Crisxian at pakiramdam niya ay parang nagkia na sila noon. Naranasan niya ang magmahal dahil dito pero hindi niya inaasahang mararanasan niya din ang masaktan dahil rin dito. Well love is painful. Hindi ka nagmamahal kung hindi ka masasaktan.