Ilang araw na lang ang natitira bago matapos ang buwan ng Harvestfall para paghandaan ang nalalapit na digmaan sa pagitan ng Black Lotus at ng tatlong kaharian. Natipon na ni Gin ang tatlong factions na kinabibilangan ng Red Hunter, Shadow Gale at Noble Heist para sumali sa digmaan. Nakuha niya na rin ang kapangyarihan ng isa sa pitong Lornos na magsisilbing gabay nila tungo sa ikapagtatagumpay. Gamit ang kayamanan at kapangyarihan na nakuha nila sa Lorgmor, oras na para paghandaan ang pagsalakay sa Black Lotus at pigilan ang pagbubukas nila sa lagusan na magkokonekta sa mundo at sa Nedaryo. Matutunghayan muli ang eksena sa grupo ni Jharel at sila'y sasali sa kompetisyon na tinatawag na Magic Games. Muling sasabak sa panibagong sapalaran, madidiskubre ang kanilang likas na kakayahan at kapangyarihan, haharapin ang Black Lotus at ang puno't dulo ng kasamaan at kaguluhan sa mundo ng Eragon. Magagawa kaya nilang talunin sa digmaan ang Black Lotus? Ano naman ang magiging kapalaran ni Jharel at ng kasamahan niya sa nalalapit na digmaan? Alamin ang mga kasunod na kabanata sa Chronicles of Sarim! --- Credits to @Nimrod Alfheimr for my book cover! --- Started on: March 31, 2020 Completed on: July 18, 2022