My tears fall automatically when I saw him.... Kissing another woman. agad akong lumapit sa kanya kaya napatingin sila sakin "Jene, Pumasok ka muna" Sabe neto sa babae nya at sumunod naman yun. Ngayon kami nalang ang nandito. "S-sino sya?" tanong ko.... Sa pagitan ng paghikbi. "May mata ka naman diba? Hindi paba sapat yung nakita mo?" Walang ganang sagot nya. "H-hindi ka man lang ba magpapaliwanag? girlfriend moko Eithan!" "Para san pa? wala kong dapat ipaliwanag Viya" "Ano? SABI KO MAGPALIWANAG KA!" patuloy sa pag agos ang mga luha ko.... "Sinabe ko na diba? wala akong kailangang ipaliwanag!" "Nakita kitang nakikipaghalikan sa ibang babae tapos ngayon sasabihin mong wala kang ipapaliwanag?" Nanginginig na ang katawan ko sa galit. "Umalis kana. Wala akong ipapaliwanag." Tumingin sya sa mga mata ko "Tapos na tayo" napatigil ako.... Ganun nalang ba yun?? Wala lang ba sa kanya ang lahat?? "SABIHIN MO NGA......" nanghihina nako "A--ano ba talaga ako sayo?" Ngumisi sya at nilagay ang mga kamay sa bulsa nya "Ikaw? Parang laro kalang... Na pinaglalaruan ko." Tumalikod na sya "umuwi kana" Pumasok sya dun sa pinasukan ng babae nya..... Napasalampak ako sa sahig..... B--bakit?? Ganun??? Bumuhos pa ang mga luha ko kasabay ng pagbuhos ng ulan... "MALAS NGA NAMAN OH!" Napasigaw ako at agad na tumayo pero muntik nakong matumba ng may maramdaman akong sumalo sakin...... Diko makita ang mukha nya... Nahihilo na ako... And everything went black....
29 parts