Pinahid ko ang luha ko at sinubukang tumayo ng tuwid, nabuhayan ako ng loob sapagkat hindi na ako nagiisa sa mahabang kalsada na iyon.bumaba ang batang iyon mula sa puno at humarap sa akin na tila may hinahanap, akoy nakatingin lamang sa pagtataka ko kung anong ginagawa nya, umikot sya sa akin at sinabing "may sugat ka dumudugo ang mga sugat mo sa paa"sabay upo nya at itinuro ang tuhod kong alam kong may sugat subalit paano nya nalaman iyon nakatabing ang aking mga palda.
Unti unting lumalapit sa akin ang bata subalit akoy napapaatras,dahil sa takot ko na gagawin nya.hanggang sa napaupo ako sa lupa at natumba.tumawa ng malakas ang batang iyon, na tila natutuwa sa aking pagtumba, sumimangot ako at iniyuko ang aking mukha, hindi upang umiyak upang itago ang aking mukha na nangangamba sa kasama kong kakaibang bata, katulad din kaya sya ng mga batang kasama ko sa paaralan na ako , ako lagi ang pinagkakatuwaan. nalungkot ako, nang iangat ko ang aking mukha nakita ko ang kanyang mga mukha na nasa tabi ko na , napakalapit nya at aking napagmasdan ang kanyang maputing mukha at naamoy ang kanyang humahalimuyak na kakaibang amoy , amoy na tila isang pitas na bulaklak o isang bagong sikat na umaga, napakahinahon at napakatahimik. nakatingin sya sa aking tuhod at itoy hinawakan , inilabas nya mula sa kanyang bulsa ang isang laso , ang aking laso at dahan dahan nyang inilagay sa aking tuhod at itinali ang mga iyon, akoy tahimik na nakatingin lamang sa kanya.