Katulad ng pagkuha ng liwanag sa pagsapit ng gabi, naging madilim ang mundo ng kambal na si Rage at si Sage dahil sa nangyari sa kanilang magulang ilang taon na ang nakakaraan. Hindi nila iyon matanggap, lalong lalo na si Rage na ang tanging iniisip ay ang maghiganti. Ngunit sa pagdating ng hindi inaakalang pagkakataon, tuluyan nang nabasag ang lahat ng sekreto sa likod nang nangyari sa kanila. Matatanggap ba ng dalawa ang bubog ng katotohanan na nakatakdang sumugat sa kanila?