Wala kaming alam sa nangyari! Lalo na ako. Biglaan lahat! Basta nagising na lang ako na in a relationship na ako sa kaniya. At ang loko, hindi man lang pumalag. Anong gagawin ko? Eh, hindi ko naman siya mahal? Papabayaan ko na lang ba o sasabihin ko sa kanila ang totoo na mali sila? Pero biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Ninang sa amin sa nalaman niya. "Sweet ninyo naman. Huwag na kayo maghiwalay, ah? Kun'di magagalit ako sa inyo. Sige na, bye." Paano na? Makakaya ko kayang itago ito ng matagal o sa katagalan ang aksidente ay maging totoo na?