Scarlette is a successful businesswoman of her time. Nasa kanya na ata ang lahat, looks, sexy body, money, intelligence. Iisang tao lang ang minahal ni Scarlette at nagkataon pang sa best friend niya pang si Lucia ito nagka gusto. Nang mamatay si Lucia ay isa lamang ang kanyang hiling sa kanyang matalik na kaibigan. She knew her best friend was in love with Xander. Kaya naman hiniling niyang alagaan niya ito at mahalin. Scarlette fulfilled her promise to Lucia. Inalagaan at ibinigay niya ang lahat kay Xander ngunit parang bato pa din ang puso nito at hindi masuklian ang kanyang pagmamahal. Hanggang saan kayang mag tiis ni Scarlette alang alang sa pagmamahal niya kay Xander at sa kanyang pangako kay Lucia? Nothing is worse than feeling unwanted by the only person you want to be with...