HANGGANG SA HULI

HANGGANG SA HULI

  • WpView
    Reads 179
  • WpVote
    Votes 16
  • WpPart
    Parts 4
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeLast published Sat, Apr 25, 2020
Oktubre 26, 1977. Ibinaling ni Sonny sa mga pulis ang kanyang paningin. Nagsimula siyang magwala, sumigaw siya ng malakas, inagaw niya ang baril sa kamay ng isang pulis. Nagsimula siyang suntukin ang mga ito. Ang bawat bigwas ay naguumapaw ng mga tanong at galit. Kailangan niya ng eksplanasyon, kailangan niya ng mga salita; ngunit isang malakas na putok lamang ang sumagot sa kanyang mga bakit. September 29, 2000. Naalimpungatan si Jen sa malakas na paglaglag ng bawat patak ng ulan sa kanilang bubong na para bang mga luhang pinakawalan mula sa matagal na pagkakaipon. May mga pambihirang araw na dumadaan kung saan naipararamdam ng langit ang kapangyarihan nito; na ang bawat araw ay para lamang mga kahon na naghihintay na mabuksan, mga regalong inihayin para sa iba't ibang okasyon, na kailangang tanggapin ano man ang madatnan sa loob. Si Sonny at si Jen, mga musmos na anak ng Maylikha. Ipinadala sa dulo ng magkabilang mundo, ngunit pantay lamang na minamahal. Ang isa ay binigyan ng matapang na puso, ang isa ay mapagpatawad. At sa halamanan ng isang maliit na bakuran, sumibol ang isa pa sa pinakamagandang nilikha ng Maykapal. Ang isang bagay na mas matanda pa sa mga bituin na tinatanaw nilang dalawa at sa araw na nagsisilbi nilang gabay, isang bagay na umukit ng napakaraming nang kasaykasayan, mula sa pagkakahulma kina Eba at Adan, sa pagkakapako ni Hesus sa krus, sa paglalaban nina Lapu Lapu at Magellan, sa pagkakatahi ng bandila ng Pilipinas, hanggang sa pagkakasulat ni Rizal ng Mi Ultimo Adios sa kanyang huling gabi; ang pinakamalakas na kapangyarihan ng Maykapal na pinagiikutan ng tadhana ng buong sanlibutan - ang pag - ibig. Ang mga pangyayari sa mundong ito ay gumagalaw sa maraming mga pamamaraan na kailanman ay hindi maiintindihan ng sangkatauhan. Ngunit para kay Sonny at kay Jen, ang mundo ay isa lamang malaking bakuran kung saan maaari kang maglaro, umiyak, mapagod, maligaw, magtago, at muling mahanap.
All Rights Reserved
#649
romancestories
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Love Under A Stormy Sky
  • "So, It's You!" (GxG)
  • The Devils King 2
  • Our second chance to undying love.
  • Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]
  • Nagparaya (NagpaSeries #2)
  • Ang Babae Sa Kawayanan
  • The Good Girl Turned Into A Cold And Heartless Mafia Queen [ Under Editing ]
  • It's never too late to start over again (Coffee and cake 1)
  • Back To Life Again

Ang langit sa kanyang mundo ay naging makulimlim simula pa noong siya ay isang dalagita. Una, ito ay ang biglaan at malakas na bagyo ng kalungkutan na nag-alis sa kanyang ama, nag-iwan ng isang malaking butas sa kanyang buhay. Pagkatapos, isang mabagal at nakakapanlumo na ambon ng kalungkutan ang bumagsak nang ang kanyang ina ay mawala rin, iniwan siyang nag-iisa sa isang dagat ng kawalan ng pag-asa. Ang kanyang lola, ang tanging pamilya na natitira sa kanya, ay naging kanyang angkla, ngunit ang pagiging mahigpit at hindi sinasabi na pagkadismaya ng matanda ay nagdagdag lamang sa bagyong nagngangalit sa loob niya. Natuto siyang harapin ang mga bagyo nang mag-isa, nakahanap ng lakas sa harap ng mga pagsubok. Nagtayo siya ng mga pader sa paligid ng kanyang puso, determinado na mabuhay, na tumayo sa kanyang sariling mga paa. Ngunit kahit ang pinakamatibay na pader ay maaaring gumuho sa ilalim ng bigat ng kalungkutan. Pagkatapos, isang kislap ng pag-asa ang lumitaw sa abot-tanaw. Isang lalaki, na ang mga mata ay naglalaman ng init ng araw ng tag-init, ay pumasok sa kanyang buhay. Nakita niya ang nasa likod ng mga ulap ng bagyo, kinikilala ang lakas at kagandahan sa loob niya. Nag-alok siya ng kamay, ng ngiti, ng pangako ng pag-unawa. Magiging kalmado kaya ito na kanyang labis na hinahangad? O babalik kaya ang bagyo, nagbabanta na maghiwalay sa kanila?

More details
WpActionLinkContent Guidelines