Ang mundo ay nababalot ng hiwaga. Totoo ba ang lahat ninyong nakikita?May pagkakataon bang tila pinaglalaruan ka ng iyong mga mata?May nakikitang mga bagay na hindi mo maipaliwanag .na kalimitan ay kasing bilis ding mawala kung paano mo sila kabilis nakita. Sadyang may mga bagay dito sa mundong ibabaw na mahirap hanapan ng lohikal na paliwanag.Karamihan sa atin ay ipinagwa-walang bahala ang mga napapansin mga bagay na gumagalaw o mga pangitaing kakaiba.Pero ang ilan,na mas sensitibo at mas mapang-obserba,ay may natutuklasang kakaiba sa mga bagay na mabilis lamang na hahagip ng ating mga mata. Kung ikaw ay kasalukuyang nag-iisa sa iyong kinaroonan.bakit hindi mong subukang makiramdam sa inyong paligid?Malalaman at maramdaman mo na hindi ka nag-iisa nariyan lamang sila.nakamatyag at nag-aabang... (True story)All Rights Reserved