Si Rollane ay hirap na hirap sa buhay nya. Sawang sawa na sya na paulit-ulit na lang na ipinamumuka sa kanya ng mga magulang nya na napakawalang kwenta nya. Lagi na lang syang mali sa paningin nila. Palagi rin syang ikinukumpara sa pinsan nya na kesho yun magaling daw at kung ano-ano pa. Hinang-hina na sya. Ayaw nya nang ipagtanggol ang sarili nya dahil sa huli sya pa rin ang talo. Umabot na nga sa puntong nagagawa na nyang saktan ang sarili nya. Gusto na nyang mamatay na lang kaso hindi nya kaya. Masyado syang mahina para gawin yun kaya tinitiis nya na lang ang sakit na nararamdaman nya. Hinihintay nya na lang na mabawian sya ng buhay. At habang hinihintay nya iyon ay umaasa parin syang magkaroon ng chance na magbago ang buhay nya.All Rights Reserved