Sheia Clarisse Chavoso, an 18 year old Ballerina at Starita Entertainment. Being the star of every show, the eye catcher of every performance, how could she say no? Ito ang kanyang pangarap, ang kanyang kasiyahan, at ginusto niya ito dahil ito ang gusto ng kayang ina. Si Chad Stephen Salazar naman ay isang lalaking nanggaling sa isang pamilyang hindi kailanman naging marangya, salungat sa buhay na mayroon sina Sheia. Kahit na mahirap, kumakayod siya kasama ng kanyang ama at ina upang makapag-aral siya at makatapos ng kursong Engineering, na siyang pinapangarap niya noon pa lamang. Bukod sa pagiging matalino, maaalahanin, at masipag, si Chad ay isang heartthrob sa kanilang University. Kilala siya dahil isa siyang top student at isang Gitarista. Simula nung nakita ni Chad si Sheia sa isang tarpaulin na para sa isang show, nabighani ito sa angking kagandahan ng dalaga, nagtrabaho siya ng part-time at umipon para lamang makabili ng ticket sa performance ng dalaga. Sa bawat show ng dalaga, nandoon siya, tahimik na nanonood at pinagmamasdan ang magaling na dalaga. Matagal niya nang gustong makilala pa ng mas mabuti si Sheia, ngunit palaging pumapasok sa isip niya ang mga salitang "hindi pwede." Pero paano kung gusto niya, at hindi niya kayang hindi gawin?
Sa umaga, serbidora. Sa gabi siya'y lukaret na raketera. Lumaking all-around hustler si Salvacion 'Sally' Pineda at pinapasok ang kung anu-anong diskarte sa ngalan ng kwarta. Siya ay bungangera, pakielamera, at chismosa by nature na palaging naghahanap ng paraan upang makaangat sa laylayan ng buhay.
Isa lang siyang simpleng maharot na nilalang, pero kung pagbibigyan ng pagkakataon na may makadaupang-palad siyang lalaking may quadruple M (Magandang lalaking Mayaman at Masarap Magmahal), willing siyang mang akit para sa ekonomiya. Why not naman diba? Kung sa ikakaunlad ba naman ng buhay niya?
Ngunit lahat ng planong iyon ay mukhang hindi niya matutupad mula nang aksidente niyang mapasok ang condo unit ni Attorney Miller Skye Lim at hunting-in siya upang magbayad sa mga nasirang gamit nito.
Anong uunahin ng ating bidang lagalag para malusutan ang gusot na pinasukan niya-ang magbayad sa danyos ng insidenteng nangyari, o akitin na lang ang abugadong mukhang hindi naman siya tipo?
At kung seseryosohin niya 'yung "Operation Gayuma", what are the chances that she won't fall first?
FLAVORS OF LOVE 3.