Tama nga sila. Habang tumatanda at nagkakaisip ka doon mo lang makikita kung gaano kahalaga yung mga bagay at tao sa paligid mo. Yung tipong mas uunahin mo pa ang mga iyon kaysa sa sarili mo. Back then when i was High School wala akong pakialam sa mga taong nasa paligid ko. I was alone i was afraid to be attached by someone because i was scared to get hurt. Pero lahat ng takot na nararamdaman ko nawala nong nakilala ko siya. Binago niya ako, binago nya ang buong pagkatao ko. Pinaramdam niya kung gaano kasaya mabuhay. Para sa akin isa siyang anghel na binigay sakin ng Diyos upang baguhin ako. Pinahiram lang siya sa akin. Kung may pagkakataon lang ako hihilingin ko na sana hindi na matapos ang huling araw natin. I was happy because I met her. She changed me. Utang ko sakanya kung ano man ako ngayon at kung asan man ako ngayon. I hope sa kabilang buhay magkikita kami at ipagpapatuloy namin ang naudlot naming pagmamahalan.
More details