Isang masayahing asawa at ina si Helena sa kanyang limang anak nang maganap ang isang trahedya sa kanilang pamilya sa Negros Occidental. Wala siyang nagawa kundi iwan ang kanyang pamilya upang masuportahan ang pag-aaral ng kanyang mga anak. Nagtrabaho siya bilang isang katulong para sa isang pamilyang Arabyano sa Jeddah. Ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang tiisin ang mga pagsubok doon na puno ng determinasyon at pananabik sa kanyang puso. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, ang pagtungo niya sa ibang bansa ang siyang magdadala pala sa kanya ng matinding kalungkutan at pasakit. Naiwan si Sariah, ang panganay at nag-iisang babaeng anak ni Helena sa Pilipinas, upang alagaan ang kanyang mga kapatid. Naging mahalaga ang komunikasyon para sa mag-ina, ngunit bigla itong nawala sa hindi malamang dahilan. Dala ng kanyang sama ng loob na nag-ugat sa hindi pagpaparamdam sa kanila ni Helena, ninais ni Sariah na makatapos sa kanyang pag-aaral kasabay ng pagtatrabaho upang masuportahan ang kanyang mga kapatid. Sari-saring pagsubok ang dumaan sa kanilang pamilya, ngunit nanatiling walang paramdam si Helena sa kanila. Dala ng kanyang kuryosidad ukol sa tunay na kalagayan ng kanyang ina, sinikap ni Sariah na makarating sa Jeddah nang makatapos siya ng kolehiyo. Isang natatanging rebelasyon ang bumungad sa kanya nang matuklasan niya ang mga alaala ng kanyang ina ukol sa kanyang mga naranasan sa Jeddah. Anu-ano ang mga matutuklasan ni Sariah sa kanyang pagpunta sa Jeddah? Magkita pa kaya ang mag-ina? Isang masalimuot na buhay ba ang naghihintay para kay Sariah upang masagot ang kanyang mga katanungan? Tunghayan ang mga pangarap, karanasan, at pagsubok sa buhay ng mag-inang Helena at Sariah sa "Mga Alaala ng Jeddah."All Rights Reserved