"I want to be the man who would sweep you off your feet. I long to see the day when you would tell me I took your breath away without me lifting any finger." Buddy-buddy pero parang aso't pusa dati sina Urison at Myrtle. Pareho silang mapambuska at pikon. Ibang babae ang gusto at hinahabol-habol ni Urison. ibang lalaki ang biggest crush ni Myrtle. Pero nagbago ang lahat nang makainom sila ng love potion. Hindi na sila mapaghiwalay. Daig pa nila ang mga patak ng arnibal na kinababaliwan ng mga langgam. Umiikot na lang para sa isa't isa ang mundo nila. Hindi tama ang nangyayari. Hindi iyon ang totoo. Kaya bumalik sila sa tao na nagpainom sa kanila ng love potion. Hiningi nila ang antidote sa gayuma. Kaso lang, nang mainom nila ang antidote ay lalong lumala ang pagkagusto nila para sa isa't isa. Paano na sila ni Urison? At paano niya haharapin ang biggest crush niya na ngayon ay nagsisimula nang manligaw sa kanya?All Rights Reserved