Cris and Jybs had known each other for a long time.Pero hindi naman naging maganda ang naging relasyon nila sa isa't isa dahil lang sa isang munting pagkakamaling nagawa ni Jybs nung nasa high school sila. Nagbitiw pa si Cris ng mga salitang hinding-hindi niya malilimutan. Mula noon, hindi na sila nagkakausap pa ng matino. Hindi na naibalik ang dating closeness nila. Lagi na lang silang nagkakaasaran. Hanggang isang araw, namalayan na lang ni Jybs na mejo close na ulit sila sa isa't isa. She had fallen in love with the man she thought was her enemy. Ngunit naulit na naman ang pagkakamaling nagawa niya rito noon. Kung muling masisira ang closeness nila, pano na ang natitira niyang pag-asa na mahalin din siya nito?