Story cover for  Mrs. Alvarez ( Available on Dreame ) Completed by MrsDarcy14
Mrs. Alvarez ( Available on Dreame ) Completed
  • WpView
    Reads 65,370
  • WpVote
    Votes 276
  • WpPart
    Parts 5
  • WpView
    Reads 65,370
  • WpVote
    Votes 276
  • WpPart
    Parts 5
Ongoing, First published Sep 07, 2018
Dala ng kapusukan at kabataan ni Hainna Dela Serna ay nagawa nyang pikutin si Shawn Alvarez. Ang kilalang bad boy sa bayan ng San Miguel. Nakuha ni Hainna ang kasal na pinapangarap ng lahat. Engrande at masasabing hindi nalalayo sa bonggang kasal ng mga nakikita sa telebisyon. Ngunit nakuha din ni Hainna ang matinding galit ni Shawn. Tila ba sya na ang pinakamasamang babaing nakilala ni Shawn. Handa nyang tiisin ang lahat basta makuha lang ang pagmamahal ni Shawn.

Sa unang gabi ni Hainna bilang Mrs. Shawn Alexis Alvarez ay pinaalis sya ni Shawn ng bansa. Pinatapon sya nito sa Canada.

Makalipas ang tatlong taon bumalik si Hainna ng bansa. Umuwi sya ng San Miguel sa bahay mismo ni Shawn Alvarez sa asawa nya. At sa pagkakataong ito mananatili sya sa San Miguel. At gagawin nya lahat para lang hindi na sya ipatapon pa ni Shawn sa ibang bansa, o kahit sa labas ng San Miguel. handa nyang ibigay at gawin ang lahat para lang makuha ang pagmamahal ni Shawn at manatili syang Mrs. Alvarez.
All Rights Reserved
Sign up to add Mrs. Alvarez ( Available on Dreame ) Completed to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Love Me Tomorrow by mhiezsealrhen
44 parts Complete Mature
Ynessa was in an unhappy marriage with her husband, Tage Lasten Del Prado. After 5 years of unhappy marriage, Tage decided to file a divorce na inaayawan naman ni Ynessa. She did everything to have him kaya hindi niya basta-bastang isusuko nalang ang asawa. Ynessa don't trust people easily. Maybe that was the reason why she doesn't have friends na pwede niyang pagkwentuhan ng problema niya tungkol sa asawa. Gusto niya lang naman magkaroon ng pamilyang masasabi niyang kanya. A husband na makakatuwang sa habang-buhay, anak na magpapawi ng mga pagod at lungkot niya at mga kaibigan na maituturing niyang pamilya. Was it too hard to have? 'Yan lang naman ang hiling niya. She was never been loved by her family on both her parent's side. She tried hard to fit in. Pilit nakikipaglaro sa mga pinsan kahit pinagkakampihan siya ng mga ito. They would steal her toys and break it. They would slap or pushed her and will act like she was the villain while crying when their parents are near. Papaluin siya ng mga magulang nila. Her parents won't know kasi busy sila sa kompanya. Since then, wala siyang naging kakampi. She may have all the material things but she never had an affection from family. She never felt to be in a family. Kaya nung nakilala niya si Tage, pinangako niya sa sarili niya na makukuha niya ito. She never get the love of her relatives but she'll get his. And up until now, she's still trying her best to have it. Doing her very best to get it. Kaso ang hirap. Ang sakit-sakit ng mahalin ang asawa niya. Nakakaramdam na siya ng pagod pero ayaw niya pang tumigil. Gusto niya pang ilaban kasi ayaw niyang may pagsisihan siya bandang huli. Ayaw niyang mabuhay sa what ifs and what should have been kaya kahit masakit, she'll do everything para ipaglaban ang pagmamahal sa asawa.
Makakaya po ba? ( published under Le Sorelle Publishing) by BambieWp
12 parts Complete
Si Shermaine Gutierrez, isang matabang babae na hinahangad lang na tanggapin siya ng lahat. Sa buong buhay niya, lagi na lamang siyang pinapahirapan maging ng mga kamag-anak nito. Kaya, naisip na lamang niyang umalis at mapag-isa. Mas ginusto niyang manirahan malayo sa mga magulang niyang pati siya ay hindi matanggap-tanggap dahil sa kaanyuan nito. Ipinagpapasalamat naman niya na kahit gaano pa kasama ang kapalaran sa kaniya, nariyan pa rin ang kanyang long time bestfriend na si Andrei na lagi siyang ipinagtatanggol sa mga taong patuloy siyang sinasaktan. Ngunit, dumating ang pagkakataon na umibig si Shermaine. Ang pag-ibig na hindi niya aakalaing darating pa sa kanya. Ni hindi nga niya akalain na magugustuhan siya nito. Kaya, ipinaubaya niya ang puso niya rito. Pero, hindi niya alam na may isa pang nagmamahal sa kanya nang palihim. Ni hindi niya alam na mas nasasaktan ang taong iyon kapag ang bukambibig niya ay ang lalaking minahal niya. Dumating ang panahon na nasaktan ang dalaga. Akala niya ay sasaya na siya sa pag-ibig na kanyang naramdaman. Akala niya, solusyon na ang pag-ibig sa paghihirap niya. Pero, nagkamali siya, dahil ang pag-ibig pala mismo ang rason kung bakit siya naghihirap ngayon. Pero, paano na lamang kung bumalik ang lahat? Makakaya pa ba ni Shermaine na ipaubayang muli ang puso sa kabila nang sakit na naranasan niya? O, hahayaan na lamang niya ang sarili na maging manhid at hindi na muling umibig? Makakaya pa kaya niya ang magmahal? Ikaw, makakaya mo pa ba?
Nolan Moire Villazapanta (A PHR Stallion Series ) by Carglen
11 parts Complete
“If he really loves you, he wont be afraid to tell the whole world. And because I love you, really love you, then there’s no reason for me to be afraid.” Nasa high school pa lamang si Bianche nang nakilala niya ang pesteng si Nolan Moire Villazapanta. Oo, peste ito dahil ito lang naman ang bumililyaso sa ‘sanay naudlot’ na pag-ibig nila ng ultimate crush niyang si Lhian. Inereto lang naman nito si Lhian sa sariling kaibigan niya, at sa kasamaang palad, nagkatuluyan ang mga kaibigan nila. Lampas hanggang Venus ang galit niya dito pero isang araw ay inamin nito na may gusto pala ito sa kanya. Hindi naman sana siya maniniwala dahil araw-araw siya nitong binibwiset pero nagsimula itong suyuin siya kaya medyo lumambot naman ang loka-loka niyang puso. Handa na sana siyang patawarin si Nolan kung hindi lamang niya narinig na naaawa lang ito sa kanya dahil sa pagkabigo niya kay Lhian. Kung hindi lang sana siya nagpadala sa sinasabi ng puso niya, hindi sana siya maloloko nito. Dahan-dahan na kasing nahuhulog ang loob niya sa binata at ang malas niya dahil mahina ang puso niya. Pagkaraan ng ilang taon, nagkrus muli ang landas nila ni Nolan at sa Stallion Riding Club pa. Kung saan siya nagtatago para hindi sila makasal ng fiancé niya. And to make matters worse, inaakit pa ulit siya nito at paulit-ulit na sinasabi nito na hindi ito naaawa lang sa kanya noon kung hindi ay minahal talaga siya nito. Would she believe him? Again? And give him another chance? O hahayaan lang niya ito sa bagong trip nito sa buhay at kalimutan ulit ito? Ano ba naman ang magagawa ng beauty niya kung mahina pa rin ang puso niya pagdating di
You may also like
Slide 1 of 9
MY DESTINY cover
#1 PIKOT (GXG) cover
The Rugged Rancher cover
AFRAID TO FALL IN LOVE cover
Love Me Tomorrow cover
Since That Day I Met You cover
WILDFLOWERS series book 1 - A Liar's Kiss cover
Makakaya po ba? ( published under Le Sorelle Publishing) cover
Nolan Moire Villazapanta (A PHR Stallion Series ) cover

MY DESTINY

22 parts Complete Mature

Dahil sa matinding kalungkutan at pagkabigo mas pinili ni Samantha ang lumayo. Lumayo sa pamilya at baguhin ang pagkatao mula sa mahinhin at mahiyaing dalaga. Bumuo siya ng isang pagkataong ni sa hinagap ay hindi niya aakalaing magiging siya. Ang Samantha na walang kinatatakutan punong- puno ng determinasyong makabangon mula sa sakit na dulot ng lalaking lihim na minahal, si Kael. Si Mikael Madrigal, gwapo, simpatiko at kilalang anak-mayaman sa lugar nila. Naging kaklase at bestfriend niya ito. Ang lalakeng minahal niya ng palihim ay ikinasal sa kaniyang Ate Sabina. Kasal na dumurog ng kaniyang damdamin at dahilan ng pasyang paglayo upang makalimot. Unang pag ibig, unang pagkabigo. Sakit ng kaloobang tila punyal na nakatarak sa puso ng dalaga. Paano kung pagkatapos ng maraming taon ay muling magtagpo ang landas nila at matuklasan niyang mahal niya pa rin ito? Paano niya lalabanan ang damdaming hindi pa pala nagbago para rito? Paano kung higit niya pa pala itong mahalin kapag natuklasan niya ang tunay na dahilan sa likod ng pagpapakasal nito sa kaniyang ate Sabina? Maaari din bang baguhin ang mga pangyayaring itinakda na? O muli siyang aasang si Mikael Madrigal ang lalakeng itinuturing niya noon na nakatakda para sa kaniya?