Sa edad na bente tres ay nakamit na ni Kelmara ang kanyang pangarap na maging isang reporter. Kaya naman pinagsikapan nyang gawin ang kanyang trabaho, maging araw man at gabi. Walang takot nyang sinusulong ang kahit anong panganib para lang makakuha ng maganda balita. Hanggang isang araw ay naassign sya magcover ng isang event sa intramuros ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkagulo at nahostage si Kelmara. It was a life and death situation kaya hindi na nakapag-isip ng maayos si Kelmara at sinunggaban nya ang hostage taker at nabaril sya. She was dying, bleeding and choking for air until Kelmara finally closed her eyes... But surprisingly, Kelmara was able to wake up from a nightmare. Nanatili syang nakahiga kung saan sya nabaril ngunit ang mas ipinagpagtaka nya ay ang mga taong nakapalibot sa kanya. Ang mga ay babaeng nakasuot ng saya, bitbit ang kanilang mga abaniko na pamaypay at mga lalaki naman nakabarong at sumbrero. Tila bumalik sya sa sinaunang panahon. PUBLISHED SEPTEMBER 7, 2018 ©WRITEMYHEARTFORYOU