Anong gagawin mo kapag ang UNA mong pasok sa trabaho ay ang HULI mo na rin? Kapag natanggal ka sa trabaho mo dahil sa sarili mong katangahan? Kapag may tiya kang dragona? At apat na pinsang mga manyakis at bobo? Eottoke? Si Oddessa Hannaj Mariano a.k.a. 'Odde' ang malas na tinubuan ng katawan, kamay, ulo at mga paa. Siya ang tinaguriang 'Dyosa ng mga Boba ' ng kaniyang tiyang dragona. Sa araw araw na paggising niya ay kakambal na niya ang malas. Ultimo swerte na ibinigay ni Lord sa kanya, nagiging malas pa. Swertihan lang yan! "Dahil malas ako, stay negative lang. palagi ako."- Oddessa "Hah? Ano nang mangyayari sayo non? " -Jare "Sa math, negative times negative equals positive. Magiging posible ang lahat kapag ang malas sinamahan pa ng negatibo, Paris. Common scents naman." - Odessa "Dumb! It's COMMON SENSE. Boba ka na nga, wrong grammar ka pa." -Harley "Hoy! Ingatan mo yang bibig mo kapag kinakausap mo si Odde ko hah! Sasapakin kita! "- Paris " As if naman magugustuhan ka niya, best friend! " -Jare "Shut up. Kaming dalawa ng bida dito. Diba My Secretary?"-Paris "Ewang ko. Basta ang alam ko malas ako. " -Odde Paris Laurenze Valdez "The BFF" Harley James Lopez "The BOSS" Jare Mathew Peralta "The SAVIOR" Silang tatlo ang _____ a. Manggugulo sa buhay b. Magdadala ng swerte c. Magpapabaliw Sa babaeng may ONE STOP JOB? One stop job. Author : goddessoflust16 Wattpad Philippines Don't plagiarize Year 2018